Friday, May 11, 2012

MODUS OF SCAMMERS, POSERS and LOWLIFE PERSONS


MGA MODUS.. INGAT PO TAYO! :D
Credit to Ragnarok New Iris Market Place 
Additional Infos: Ragnarok New Iris All in One Group

para sa kapakanan ng mga bagong players at mga balik ragna o 
sa mga wala pa masyadong alam.. 
PARA SA INYO TO :)

MODUS LIST:

1. "POSER" MIDMAN:

may tatlong klase ng poser midman.

  • Nagpapanggap na ADMIN.. gumagawa ng poser account ng ADMIN tapos may kakaibang pangalan na character syang ippm senyo at sasabihin un daw ung char na gagamitin nya pang midman..

RNIMP:
NOTE: ang totoong admin eh nasa page owners ng RNIMP. ang listahan ng characters ng
admin eh nasa INFO ng RNIMP page.


RNIAOG:
NOTE: Ang mga REAL Admins at REAL and TRUSTED MIDMEN ay makikita dito sa BLOG na ito together with their FB LINKS. Ini-EDIT ng POSER yung Documents ng Group kaya dinelete namin yung Admin, Midman at Reputation Documents.


  • GM daw sya ng isang guild.. wag po mapagpaniwala sa mga ganyan na sasabihin eh sa GM nalang daw ng kaguild nya magpamidman kasi dun daw may tiwala.. di mo alam eh magkasabwat na pala sila.. :)))       
  • Kapangalan ng MIDMAN mag ppm sayo at tatanungin ka kung ano ung user at pass

NOTE: sa FB pinapapm ng MIDMAN ang INFO's ng account hindi ingame..

2. CLOAK DEAL:

- Imba equips ang puterya. magpapamidman tapos gagawa ng poser ng midman at poser ng kadeal.. naka cloak ung
 poser tapos iddeal ung midman para malito or iddeal ung kadeal nya..
at madalas lvl 3 ung poser.. in short bagong gawang novice.
 note: para maiwasan make sure na ung iddeal mo eh sya talaga.. ipm mo sa FB at sa pub.. at mag ruwach ka    
 muna. wag magmadali at excited sa deal.. kahit matagal pa abutin basta 100% sure..

3.  FORCE DEAL:

- nineteen copong copong na modus.. iddeal ka tapos di mo na ma cancel ung deal..

NOTE: WAG KANG MAG RERECON OR MAG LOG OUT.. magpadeal ka sa iba para macancel ung deal.. yan lang lutas.

4. DROP and RUN:

- ITEM TRADES ang punterya dito.. Kesyo sira daw ung deal nya.. kaya ang sabi nya eh mag party nalang kayo tapos ddrop nyo nalang ung item.. nung na drop mo na syempre makukuha mo ung kanya at makukuha nya ung sayo.. pero di mo alam eh EVEN SHARE pala ung item drop ng party.. BOOM nasakanya na ung item na nakuha mo :))

5. LINK FIRST/LOAD FIRST DEAL:

- Maraming nadadale dito dahil sa nag titipid para sa midman fee.. ang problema tuloy, kesa ng makatipid,
NAWALAN PA! un ang masakit.. magpamidman kasi :) di na uso link first sa panahon ngayon EXCEPT kung feel mong sumugal.. :)

6. BOT SERVICE (PAY FIRST):

- kung hindi mo kakilala yang nagpapabot service o di siya ADMIN eh kung ako sayo eh mag back out kana :)) sa susunod na umaga pag bukas mo ng account mo simot na gamit mo..

7. MGA AYAW MAGPAMIDMAN

- iisa lang sagot jan.. parang makakaramdam ka ng HIT-AND-RUN :)) alam na :)) ingat lang

8. PAHIRAM ITEM

- madalas nangyayare to sa isang guild na kilala.. kesyo may poser ang GM ng guild na manghihiram sayo ng gamit at tatakbuhan ka nalang.. or isang guild member na feeling close then boom.. the next day di na kayo friends dahil di na binalik gamit mo :)) WAG BASTA BASTA NAGPAPAHIRAM NG GAMIT KUNG HINDI MO KILALA! :D

9. UTANG THEN RUN

- mangungutang ng item/zeny tapos boom.. nakalimutan na sino ka.. di kana kilala :))

10. Ang Mahiwagang LOAD: "Already USED na DRE, Paano to?"

may dalawang klase:

- PARA SA MGA NAGSARILI NG DEAL.. eto nga yung sinasabi kong hindi kumukuha ng MIDMAN, andami ng nabiktima nito.. kahit sino pwede gumawa nito pero wag nyo ng subukan :3 , mdaming pera ang nasayang , madaming galit ang naipon at madaming tao ang naloko kaya please lang wag mo ng dagdagan pa.. NASASAYO YAN KUNG SUSUGAL KA AT MAKIKIPAG SAPALARAN SA PAGTITIWALA.
-SA MGA NAGPAPAMIDMAN NAMAN.. iloload nung buyer ung RO LOAD tapos sasabihin na USED na ung card pero un pala na load na nya.. OR USED na nga ung card pero sasabihin ng SELLER na bagong bili lang.. tapos sisisihin ung MIDMAN :)
Solusyon: sa midman ipaload mismo sa MYLU nung buyer para madali lang ang usapan.. kapag used sya madali lang siraan ng midman ang pangalan ng nagbenta ng used card.. kapag ok naman edi walang problema..


Old Style Scam: 
• Magkukunwaring GM sa loob ng PUB.. check this image.. :3 wag paloloko :))

NOTE: GMs NEVER ASK FOR PASSWORDS or kahit LU mo.. ☺

• HALF HALF deal.. sa load..kunwari ibibigay nya ung pin tapos babayaran mo ung half.. tapos pag nabayaran na yung half, saka nya daw ibibigay ung pin.. pero pag nabayaran mo na.. wala na.. SCAM na

• Bibili ung scammer ng item.. tapos pag DEAL, kulang at sasabihin na yung kulang na zeny ay nasa ibang character nya.. mascam ka dito pag pumayag kang magdeal agad or mabigay mo yung item. :3




--- Mag ingat po tayo para masaya ang paglalaro! Rok On!